/r/AkoBaYungGago

Photograph via snooOG

Sino ba ang gago sa istorya mo? Ikwento mo na 'yan! Hango sa r/AITA (Am I The Asshole subreddit) pero mga pinoy ang gago.

READ THE RULES BEFORE YOU POST!

Dahil parang sabik na sabik kayo mavalidate yung kagaguhan niyo, o etong sa inyo

/r/AkoBaYungGago

195,291 Subscribers

3

ABYG ba ako kung sumama loob ko dahil sa pinipiga ako ng lola ko about sa ipon ko?

I'm a student 21F, it was may birthday yesterday and syempre may money ako galing sa tita ko, which is 500 pesos. I was at school yesterday kaya balak ko na mag celebrate with a friend bukas, kaya I kept some money from my allowance. My allowance is 300 pesos, 150 pesos transpo and 150 for pang kain, 3 days FTF namin so meron akong 450 pesos na pwedeng ma save up if hindi ako kakain.

Kanina lang my lola demanded na ibigay ko ang ipon ko sa Tatay ko, my father is not helping me financially, kamag anak namin ang nag bibigay sa akin baon. Ganito sabi ng lola ko "Dapat ibigay mo sa tatay mo ang ipon mo, kesa igastos mo kung saan." I was taken aback kasi nga parang ang dating sa akin, obligation ko na iabot ipon ko sa tatay ko, para lang may magamit siya. Paano naman ako? hindi nila ako binibigyan pang projects or anything, sakto lang palagi allowance ko, madalas hindi na ako nakain dahil lang gusto ko ipunin para kapag may biglaan akong project or may biglaan akong practice sa school sa mga minor courses ko, makaka punta ako.

Tumaas na ako after ko marinig kasi may online class ako, pero talagang pinipiga nila ako na ibigay ipon ko. Dahil mahal ko rin tatay ko, inabot ko yung 500 pesos na pina bday sa akin ni tita. Sabi ko, sana maibigay sa akin kasi hindi naman madali mag ipon nang pera e, magkano ang bilihin ngayon plus nag titiis ako huwag gumastos masyado para sa ipon ko.

I am willing po na makinig sa mga sasabihin niyo sa akin, I know I am young and emotional. Thank youu

ABYG kung sumama loob ko sa sinabi sa akin ng lola ko na dapat ibigay ko ang naiipon ko?

5 Comments
2024/10/30
11:55 UTC

3

ABYG kung pinagseselosan ko ang mutual friend namin?

ABYG kung pinagseselosan ko ang mutual friend namin?

My fiancé and I are in the same group of work friends. We have this friend (also has a fiancé na rin) who is slightly less closer to us compared to the others in our friend group.

Nagsimula ung pagseselos ko nung may event sa work namin tapos nagkataon na for 3 days, sila ang magkatabi at ig nagkakakwentuhan, though attendee rin ako doon (to avoid issue, kapag nasa workplace, di rin naman kami clingy clingy ni fiancé, professional kami sa work).

Busy ako sa mga ganap sa event pero napapansin ko na maasikaso si fiancé kay friend for the whole duration of the event, kapag kukuha sya ng water, isasabay nya tumbler ni friend consistently every time, then kapag time to eat na, inaantay nya at sabay sila maglakad papuntang canteen while ako, kasabay ko ibang workmates though nagkikita kita kami sa iisang table pagkakuha ng food.

I felt a bit bothered with the gestures my fiancé was doing but not to the point na I would point it out to him agad kaya wala ako sinabi kasi naisip ko baka ginagawan ko lang ng issue ang wala lang naman talaga at baka mag-away pa kami.

Days passed, and on a random afternoon, while beside me, si fiancé ay nagrereminisce sa kanyang phone gallery, mga past photos and videos namin, then nung nagswipe sya to the gallery folders, may napansin akong thumbnail from recent photos na lumabas na face ni friend. So I asked him if I could see those photos, medyo hesitant at nairita pa si fiancé habang nagsscroll up then pinapahapyawan nya lang saying na the pictures of friend and one video na nakatapat lang kay friend while she's busy working were taken during the abovementioned event and that "hiningi" daw ni fiancé ni friend who is also in the same friend group as ours. I asked if he could elaborate on that and he said na sinisend daw nya kay friend's fiancé, so it was not "hiningi" in short. Haha. So naturally, I got mad, and I told him na bakit nakasave pa sa gallery kung isesend lang naman kay friend's fiancé and it's been days. He said na di lang niya napansin na andun pa but I know my fiancé well, ni screenshot nga, after nya masend to someone, delete agad sa gallery eh. Di kami nagpansinan for a while but after a few hours, di na rin nagtagal ang away namin at naging okay na kami.

Until now, I'm still a bit bothered kasi pag nadadaan siya sa workstation ni friend, talagang ngitian or inaantay nyang tumingin si friend sa kanya, which I think is being too friendly na kasi never ko napansin na ganun siya with our other friends.

I know wala naman kinalaman si friend kaya as much as I can, I treat her the same way as I have always treated her, hopefully not too awkward or anything.

ABYG kung pinagseselosan ko si friend?

8 Comments
2024/10/30
11:38 UTC

31

ABYG kung sinagot ko nanay ko

I, 20F, ay sumagot sa nanay ko dahil naririndi na ako sa kanya. Last week, dumating relative ko from barko and of course, I was happy kasi almost 2 years siyang hindi nakababa sa laot. Everything was good until napapansin ko na excluded ako palagi sa mga ganap. Naiintindihan kung it happened once or twice but it happened more than that kaya nainis na talaga ako.

Ito yong mga nangyari: a. Bumili ng softdrinks at nagtanong king gusto ko ba. Um-oo ako at sinabing bababa ako para kumuha after ko matapos ang homework ko but pagbaba ko, ubos na at hindi man lang ako tinabihan. Some may see this as mababaw but for me, na-hurt ako, kasi I was never madamot when it comes sa food.

b. That relative decided na pumuntang baclaran to buy pasalubong for otger relatives. Pumayag si mama and nag-aayos na kami. Pero they decided na huwag nalang daw ako sumama without any reason pero sinabi ni mama ma bibilhan nalang daw ako ng shorts. In-ignore ko 'to. But yong pagbalik nila, hinahanap ko yong shorts sa nanay ko. Pero ang sabi ay wala raw kasi mas kailangan daw ng mga pinsan ko.

c. Before dumating yong relative ko na yon, nagsabi ako sa mom ko na samahan ako para magpagawa ng salamin sa sm at doon nalang maglunch. Pumayag siya at supposedly, dapat today yon. But she decided na tulungan magpack yong relative ko na yon. I ignored it and helped it until nag-ala una na, I asked her na punta na kami but kung ano-ano sinabi nya na kesyo pabigat daw ako at magastos. I decided na hwag nalang tumuloy.

d. I was curious bakit naging ganon reaction nya sa akin, so I decided na icheck messenger nya. Doon ko nakita yong messages ng other relative namin na nagpapabili nang kung ano-ano at nanghihingi. Pinakakinaiinisan ko ay yong part na hiningi yong tablet ko. My mom decided to give my tablet para sa cousin ko without me knowing and pagpapaalam. I confronted her, kung bakit nman ganon. She said na hindi ko naman na daw ginagamit. That tablet ay very sentimental sa akin kasi bigay siya ng scholarship ko during pandemic for my online class. So I said na hindi ako papayag kasi in the first place hindi naman sila nagpaalam sa akin. Dito na talaga nanrindi ang tenga, sinabi nya na ang damot-damot ko naman daw at kung ano-ano pang hindi magagandang salita.

Sa sobrang inis at kimkim, sinagot ko siya na "simula elementary hanggang ngayon, dinodonate ko mga gamit ko sa mga relatives nya dahil mas kailangan nila pero dahil lang hindi ako pumayag sa tablet ko na very senti s akin, tatawagin na agad ako nang kung ano-ano". Nanggagaliiti talaga ako kasi nagbibigay naman ako. Ang akin lang sana may paalam kahit papaano.

Tapos ngayon, kung ano-anong salita na naman ang lumalabas sa kanya na kesyo wala raw tutulong sa akin pagtanda ko kasi andamot ko. Sumabog na ako sa mga pinagsasabi nya kaya without thinking at halong stress sa acads, I shouted sa face nya na sya nga na tumutulong sa mga relatives nya hindi naman natulungan nong nagka-tumor siya at binabackstab pa sya ng mga natulungan nya.

ABYG na sinagot ko sya? Nafufrustate kasi ako, feeling ko ako palaging pinagbubuntungan.

25 Comments
2024/10/30
10:04 UTC

1

DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.

1 Comment
2024/10/30
03:00 UTC

93

ABYG dahil binackstab ko tatay ko at narinig niya

I 20F ay may tatay (70M) na magaspang ugali at mayabang sa pera. Hindi niya ako biological child pero sakanya na ako lumaki simula 2 years old ako kasama nanay (44F) ko and nagkaron sila ng anak ni daddy na special child (16M). Basically, dalawa kamj magkapatid sa pamilya.

Noong teenager pa ako nagsimula lumayo loob sa tatay ko. Habang nagkakaisip kasi ako mas napapansin ko na mga mali niyang ugali at mindset na hindi na mababago pa.

Hindi ko alam kung anong proper term dapat gamitin pero masyado si daddy takot masapawan yung anak niya sa amount ng pagkain kahit mas lamang naman yung kapatid ko.

Naalala ko noon kukuha lang ako ng konting cornbeef kasi tutal patapos na kumain kapatid ko pero ang ginawa ni daddy, tinabing niya ng kamay niya yung mangkok ng cornbeef para d ako makakuha.

Naalala ko rin dati kumain kaming pamilya sa Mcdo tapos tig isa kami ng fries ng kapatid ko para fair pero ang ginawa ni daddy, kinuha niya fried ko tas binuhos niya sa plato ng kapatid ko kahit meron naman din siya ng sarili niya. Kaya ako mukha akong kawawa nakatingin non sa ginawa niya.

Noon away nang away si mommy at daddy dahil ayaw ni daddy i secure ang pamilya. Matanda na kasi si daddy at siya ang main source of income namin. Sabi ni mommy kailangan ma secure kami yung may bahay na sariling amin o kaya dalhin kami sa America (yun kasi yung pangako ni daddy samin na matagal niya na rin pinagyayabang sa mga kamag anak) matanda na si daddy tapos special child kapatid ko at maliit lang sweldo ni mommy, ano mangyayari samin pag nawala si daddy? Nganga.

Kinausap ko nang maayos si daddy non kasi magka away sila ni mommy. Sabi ko “dad, kung d tayo pupunta ng America edi bili nalang tayo ng bahay dito sa Pilipinas para secured kami may matitirahan pag nawala ka. Tapos ang sabi niya sakin “Kung gusto mo mabuhay, alagaan niya ako”. D ako makapaniwala non sa sagot niya. 6 digits ang pumapasok sa bank acc ni daddy buwan buwan kaya hindi impossibleng bilhan niya kami ng bahay kung d niya kami madadala sa America na pinapangako niya.

Dati rin nag aaway sila mommy at daddy kasi Pandemic pero panay lustay ni daddy ng pera kakabili ng kotse. Tas kinausao ko nang mahinahon si daddy na “dad malapit na ako mag college, mag tipid naman tayo para ready” tas sinagot niya ako non habang minamasahe ko siya “San mo ba sa tingin mo mag aaral ka, sa Stanford?” “Sa Public University ka lang, tanga”. D ako nakapag salita non sa shock ko.

Nung 17 pa ako, virgin pa ako non at walang boyfriend. Nung nasa kotse kami, kinwento ni mommy yung pasyente niya na nakita niya naglalaplapan sa harap ng mga nurses. Sabi ni daddy “oh nainggit ka naman? Paturo ka sa anak mo, magaling siya ron” tas ako na shock lang ako na nasa likod ng kotse.

At marami pang mga pangyayari na naipon na sama ng loob ko at nawalan ako ng amor sakanya. Kinausao ako ni mommy tungkol sa trato ko kay daddy at pananalita ko dahil wag daw ako ganon dahil siya bumubuhay sa amin at pinapa aral ako. Pinilit ko naman ibalik amor ko paunti unti, ilang taon bago nabalik pero kanina biglang nawala agad.

Lumabas kami ni daddy kanina dahil magbabayad ng kuryente. Nung pauwi na, inutusan niya ako bumaba at bumili ng fries at waffles para sa kapatid ko. I bought Terra (largest size ng fries) at 4 waffles (I ate 1, so 3 nalang natitira para sa kapatid ko). Habang nag dra drive ako pauwi, pakuha kuha ako ng fries kasi tutal malaki inorder ko para maka share ako.

Then ayon nakaktatlong kuha pa lang ako ng fries, sabi ni daddy “Tirahan mo naman kapatid mo wag ka sugapa” tas sabi ko “dad…. Largest size yang kinuha ko, hindi yan basta basta mauubos” tas sabi niya “Sa tingin mo ba hindi niya alam na binawasan mo yan? Eh mas matalino pa yon sayo eh” tas sabi ko nlng dahil nagpipigil ako sumagot “ewan ko sayo, takot na takot kang masapawan yang bunso mo”

Nung nakauwi na kami pumunta ako kusina para mag rant sa kasambahay namin. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sakanya, kinwento ko mga pinagsasabi niya sakin and mga ginawa niya nung bata pa ako” binuhos ko mga gusto kong sabihin sa loob ng utak ko na kesyo bobo siya, mayabang at tanga.

Nasa sala lang si daddy non tas napansin namin malungkot siya kaya sa tingin namin ni ate ay narinig ni daddy lahat ng sinabi ko dahil medyo magkalapit lang ang kusina at sala kung nasaan siya.

Na gui guilty ako sa ginawa ko dahil narinig niya mga sinabi ko na foul words. Panigurado kung kakausapin ako ng nanay ko tungkol sa ginawa ko lagi niya ipapaalala sakin na, hindi gaganda buhay ko ngayon kung hindi dahil kay daddy kaya tiisin ko ugali non. Na kahit anong pagsisilbi gawin ko kay daddy, hindi non matutumbasan lahat ng binigay non samin. Aaminin ko naman na totoo ang lahat ng yon pero putangina hindi naman din lagi pera at estado ng buhay ang sukatan. Kailangan din ng mabuting ugali, respeto at pakikipag kapwa tao na turingan.

Marunong ako magpasalamat sa mabubuting ginawa pero tangina tao rin ako hindi ko maya oaulit ulit ako pinagsasakitaan ng masama kahit oa yung tao na yon yung nagbigay ng magandang buhay sakin at nagpapaaral.

31 Comments
2024/10/29
20:27 UTC

243

ABYG KUNG AYAW NAMIN IMBITAHIN YUNG LOLA NG ANAK KO SA BINYAG?

I (26F) and my husband (25M) already planned yung binyag ng toddler namin (1M) but upon sending invitations para sa mga ninong at ninang, nakarinig yung nanay ng husband ko na nakapag ayos na kami ng binyag details.

So she immediately called us and asked for an invitation but we explained na ninong and ninang lang ang invited since we want it intimate and no judgement at all. But this decision has a back story.

When I was pregnant with my child, we held a gender reveal party where everybody was invited to celebrate with us. Kaso after party, nakarinig ako ng comments such as “Ang arte di kailangan nyan” “Gastos lang yan” “Dapat tinabi nalang nila yung pera pangpaanak” and many more sa side ng family ng husband ko. While my family is super enjoying and super happy sa gender reveal ko. Sumama yung loob ko coz before ako magkaroon ng successful na pregnancy 2 years kaming laging negative, so before pa ako mapreggy my friends promised na magpapagender reveal daw talaga sila coz my child will be our first baby sa group (My friends are composed of gays and lesbs) kaya sobrang sumama yung loob ko after ng party na yan and nag regret talaga ako ng sobra na ininvite pa sila.

Next is yung 1st birthday ng anak ko which was an intimate party, only the 3 of us. Nag staycation sa Manila Ocean Park for 3 days and dined sa mcdonalds since its my sons fave. Next months, may narinig nanaman kami like “Gender reveal nakapag handa, pero birthday ng anak hindi?” “Dapat cinecelebrate ang 1st birthday ng bongga” and many many more.

AND SOOOOO, we really decided na walang iimbitahang iba sa binyag ng baby ko kungdi ang mga ninongs at ninangs. Saka nagalit samin yung mother ng husband ko kasi gusto niyang pumunta kasi first apo nya yung baby namin but then again when we were hearing harsh comments on their side of the family is siya sa gumagatong, like “Oo nga” “dapat nga hindi na” and many many more na nag aagree siya.

My parents are all in sa binyag namin, willing na mag ambag eventho they will not be there and they respect our decision as mag asawa kasi pamilya daw namin to. My lola’s piece of advice to me was “Wag mong sasagutin ng pabalang yung byenan mo, they are not the same with us. Give them more patience” kasi nagopen up ako sa lola ko na naririndi na ko kasi sa tuwing tumatawag samin, paulit ulit yung tanong kung invited ba siya or not and why.

My patience is already at its limit. Its creeping in my nerves, konti nalang kasi sasabog na ko. My husband knows this at pati siya naiiinis na sa point na hindi na siya sinasagot yung tawag ng nanay niya. Ako tuloy yung tinatawagan at kinukulit.

Ako ba yung gago kung ayaw kong imbitahan yung lola ng anak ko? Kahit first apo Nya yung baby ko?

90 Comments
2024/10/29
09:15 UTC

30

ABYG if gusto ko na magcut off sa tita ko

My tita is the reason why i got accepted sa isang job na inapplayan ko, and doon ako nakakatira sa kanya kasi mas malapit siya sa workplace ko. Thankful ako sa kanya and planning to contribute 1k monthly for the expenses and also planning to give her something for helping me get the job. However, weeks passed and i discovered that my tita might use me. I had a great feeling na uutangan niya ako once may sweldo na ako. Kase nag uutang din siya sa parents ko. There's actually no problem naman if magpapautang ako kaso she has pending utang pa sa parents ko na like 50k, and its been like more than 6 years na hindi pa binabayadan at hindi n minemention. She doesn't pay 😭 And I'm here thinking na im selfish and judgmental for planning to move out sa kanyang bahay once i have my salary kasi natatakot ako na hihingi siya sa akin ng large amount. I'm planning to board pero my tita won't allow me kasi gasto daw yung room plus food. Libre kasi yung food sa kanila And ofc, nagcocontribute din ako sa kanila by cleaning their house, cooking, and washing dishes etc I would save a lot sa bahay nila pero yung fear ko talaga na she's gonna borrow money from me.

ABYG for having this mindset na i wanna escape my tita before she's gonna use me? for being selfish and walang utang na loob sa tita ko

36 Comments
2024/10/29
04:48 UTC

4

DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.

1 Comment
2024/10/29
03:00 UTC

51

ABYG for wanting my gf to delete yung pics ng ex niya sa instagram achive?

So, my girlfriend still has some photos nila ng ex niya sa Instagram archive. Hindi naman niya pinopost or tinitingnan uli as far as I know, pero nasa archive pa rin. Hindi ko iniisip na may feelings pa siya for him or anything like that. Pero knowing na nandun pa rin yung photos, medyo naiinis lang ako.

Alam ko naman na baka normal lang mag-keep ng old memories, pero mas okay sana ako if wala na talaga yun. Hindi ko pa naman siya pinipilit about it, pero nung nabanggit ko nang slight, sabi lang niya "hindi talaga ako nagdedelete ng archive photos" at ayaw niyang burahin parts ng past niya.

ABYG? Baka nga ako kasi baka unfair to ask her to change her past para lang maging mas comfortable ako and parang controlling din

88 Comments
2024/10/28
15:13 UTC

1

ABYG if mag sesend ako ng immidiate resignation letter sa mismong araw.

I was working for a Beauty Brand. Probationary. Sa totoo lang okay siya. Andame kong natutunan given na may 5 years na kong experience sa field ko. They let us lead for minor campaigns and such. However, things take turn na noong nag attempt mag resign ‘yung Creative Director namin dahil Daw sa’kin kasi na overwhelmed daw sa mga need gawin. Dahil nag iba ‘yung treatment sa’kin na parang kasalanan ko lahat and they made me message her and apologized. Then, binawi na raw niya ‘yung resignation niya kasi nakausap na raw. Pero noong time na ‘yun ramdam ko ‘yung mga galit sa’kin ng mga tao kahit wala naman akong ginawang kasalanan. Sa totoo lang sobrang respectful ko kapag kinakausap ko siya. So, ginawa ko I recalibrated and bounced back. So inayos ko na work flow ko ahh.

Then, nitong friday final evaluation ko, I had a decent score naman but they decided to not push through kasi apprently may attitude problems daw ako. Sobrang shookt ko nun. They literally made a list ng mga nakaaway or nakasagutan ko raw. Sobrang wala akong masama. Kasi they taken into account daw ‘yung banters namin with my colleagues. Which is I thought playful banter lang pero it was use against me. Grabe.

Tbh, I tried not victimized myself. Pero sobrang obvious na ‘yung favoritism. One time, binigay sakin ‘yung isang task ng Friday night, paalis na ko. Then, gusto Monday agad. I did not work on it ng weekends. Why would I? I’m not paid enough to do it. So, Monday ginagawa ko na siya at the same time doing my end of month report. Nung nanghingi ng update with hostility pa, sabi wait lang. Isa lang ako. Nung Friday lang sinabi sa’kin. I usnerstand naman kasi CEO ‘yung nanghihingi kasi for context there are times na I’m working direclty sa CEO namin. Pero wait lang like I said isa lang ako. I was given ng until 5pm ‘yung deadline ko. Which is nagawa ko. Kasi nung weekend naman, i saved some pegs for the things that i needed to do naman so madali lang siya. Pero kasi kapag sa’kin pwede mag rushed pero sa kanila ‘di pwede??

Sobrang dami pang mga incident na lagi na lang alo ‘yung nagmumukhang kawawa pero I just shrugged it off kahit may mga classist and homophobic remarks na sa’kin.

They gave until half ng November pero I decided na mag pasa ng resignation letter sa end of month kahit may ongoing campaign kami and mya mga bagay na i have to lead. Kasi the disrepect is hindi ko na kaya. Even today. I requested ng WFH kasi may food poisoning ako kahit few hours before ng time in namin ako nag send pero denied kasi late and rushed daw. So, ayun i feel guilty pero kasi kapag naramdaman ko ng hindi naman pala pinapahalagahan ‘yung effort ko. ‘Wag na lang and sayang lang.

So, ABYG if magsesend ako ng resignation letter sa mismong araw ng last day na sinabi ko?

1 Comment
2024/10/28
09:30 UTC

2

DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.

1 Comment
2024/10/28
03:00 UTC

47

ABYG kasi nagduda ako sa partner ko?

ABYG kasi nag duda ako at medjo nagalit ako sa partner ko dahil biglang ayaw niya magpasundo sakin sa inuman nila ng officemates niya?

For context, wala pang one month yung partner ko sa new work niya and nag training siya for a month then may night out sila ng team niya when they graduated from their training. Medjo uneasy ako pero I told her na go lang pero susunduin ko siya kahit anong time pa sila matapos. Pumayag naman siya and all pero nung morning ng day na yun, biglang nagbago yujg isip niya kasi nawala yung charger ng phone niya and na-stress siya. Biglang ayaw na niya magpasundo sakin tapos may mga “nakakasakal” at hayaan ko lang daw siya sa gusto niya moment. She even told me na bakit ba daw wala ako tiwala sa kanya.

Nag worry ako at nagkakutob na baka may tinatago siya sakin or baka may “office partner” siya kaya sinabi ko sa kanya yung naffeel kasi diba dapat ganun naman na open ka sa partner mo? Ang ending, nag break kami before sila mag inuman kasi wala daw akong tiwala sa kanya. Eh wala naman ako problem sa inuman nila and unfair pa din ba na pag sundo nalang nga yung gusto ko gawin para ma-assure man lang ako?

A week after our breakup, bumalik siya sakin and tinanggap ko kasi marupok ako. Ngayon, nakwento niya sakin out of nowhere na kasama pala ng mga male officemates niya yung mga partner nila kaya lalo ako nainis tapos nag bibiro pa ngayon na “kung hinayaan mo lang ako noon sana wala naging problema”. Na-realize ko na parang liit na bagay lang naman hiningi ko for my assurance tapos di pa niya mabigay.

ABYG kasi parang di ko pa din matanggap na iniwan niya ako para lang sa isang gabing inuman kasama mga officemate niya?

45 Comments
2024/10/27
23:54 UTC

142

ABYG if ayaw ko magpautang sa friend ko kahit "emergency"

ABYG if ayaw ko magpautang sa friend (24F) ko (24F) for emergency daw. I said daw kasi there were situations na nangutang siya from our other friends rin, claiming for emergencies, pero we had seen her going to school at some point with Starbucks and Tims snacks when going to school just the day after she borrowed money and delaying her payment.

I'm taking a medical related field, while my friend dropped out due to family/financial problems, we have the same course. We let her borrow money from time to time nung di pa siya nagdropout dahil naawa na rin kami in her situation. But yes from what I mentioned earlier, we saw her buying snacks from Starbucks and Tims after niya mangutang, claiming she will pay our friend the next day only knowing she couldn't, and had to delay the payment. I mean, it's okay to treat yourself snacks from time to time but we see her "luho" in her mydays, like buying original kpop photocards and albums while always delaying her payment sa mga utang samin.

Then time came na nagdropout na siya, and she barely messages us nor goes online. The friend na may utang siya even asked me about her, na anyare daw sa kanya na bakit ghinost niya daw siya and di pa nababayaran yung half ng utang niya (nagutang siya ng 10K and 5K lang nabayaran niya). My friend who lended her money brought it up to me, and asked if I could gently brought it to my friend if I ever met her.

Timing na nagonline si friend na nangutang and I asked her to meet, my treat. She agreed to meet up with me. We catched up with life, found out friend works now in a BPO. She also brought up how she doesn't want to finish our course anymore, that working at a BPO is a lesser stress than studying.

When she said that I got turned off because ang luho niya sa school, and they're midclass, since I remember her mother works as a researcher for an elite company, and earns enough.

I get that studying for a medical related field is stressful, but I don't really understand how is she stressed while studying when her tuition and everything is paid, and even her mom asks her to continue her course, even asking my help to convince her to go back, since I'm one of her few friends at school.

I don't know why but merong something na pumitik sakin, like I felt envious of her kasi even when she stopped her mom still fully supports her to go back and she have no financial problems, like me who does part time just to pay my clinicals and other payments from school. Out of frustration I told her:

"Why did you even work when you are financially capable of finishing the course?"

We were silent and awkward for a few mins and nagrason nako umalis. Later on she messaged na if pwede daw sana akong utangan kasi nagkukulang daw sila. Sa sobrang galit ko nireplyan ko ng, "Edi ibenta mo yang kpop photocards and albums mo" and I never messaged her again, nor did she messaged me again.

Every once in a while magoonline siya and mangungutang, wala man lang kamusta or what, diretso na siya agad sa "may pera ka ba ngayon, pwede ka bang utangan?"

Then just last night she asked if I can lend her some money for some "emergency" daw with crying emojis. I already had trust issues with her, ni pagseen sa messages niya hindi ko na ginawa. I don't care if legit na emergency na siya kanina. She is disturbing my mental peace and I already learned my lesson not to lend her money kasi meron rin siyang utang na hindi nabayaran sakin. ABYG if di ko siya pinautang kanina if it really was an emergency?

28 Comments
2024/10/27
21:13 UTC

20

ABYG kung sumabog ako?

I didn’t know which flair to use. Please bear with me for the long post huhu

My double shift just ended so I was really eager to get on a bus and go home. After almost 20 mins of waiting, my colleague and I were finally able to ride one. So ayun nga she went straight sa isang empty 3-seater so I ended up sa middle seat, tapos may umupo sa tabi ko na lalaki. Nung naniningil yung kundoktor, I learned that same ng bababaan yung colleague ko and yung guy. A few minutes pagkababa nilang dalawa, may umakyat na inspector, checking everyone’s tickets. The thing is, hindi kami nabigyan ng ticket. I know it’s my fault din that I didn’t ask pero as someone who’s been commuting from my home (Cavite) to my school (Manila) everyday, may mga nasasakyan talaga akong hindi nag iissue ng tickets and kapag may nag-iissue naman nh ticket, I make sure to keep it kasi nga I know na may inspectors na sumasakay.

Going back, nung hinanapan ako ng inspector ng ticket, I said na walang naibigay sakin. Turns out na ako lang ang walang ticket. He confronted the bus conductor asking why to which the latter replied na imposible raw. They were going back and forth and then turning up to me every time. I was asked to carefully check my bag to which I obliged and wala talaga. Kuya conductor was getting defensive and tumataas yung tono ng boses and I was getting uncomfortable because they were so loud and puno ang bus. I was feeling guilty for kuya conductor kasi may penalty yata(?) but at the same time I was getting frustrated kasi kung meron akong ticket ilalabas ko talaga.

The inspector was asking the conductor to issue me a ticket na lang pero ayaw nung kundoktor kasi that means he admitted that he failed to give me a ticket and would get him the penalty yata. AND THEN, there’s this lady sa bandang gitna ng bus (I was seated sa bandang harap) na nagpaparinig, “ang tanga naman, dapat pag siningil, manghingi ng ticket” “ano ba yan pinahihirapan pa yung kundoktor” “ano ba yan ayaw pang umamin at ilabas ang ticket.” She was saying it all loud enough for everybody to hear.

I was already on the verge of crying because this was all happening when I just wanted to get home and sleep because my head was throbbing in pain. She kept going for so long na paulit ulit na lang yung sinasabi niya and at that point, I was sooooo fed up. I stood up and faced the passengers and said, “sino ba yan ang ingay naman, hindi naman kinakausap?” Everyone was silent tapos pag upo ko she kept going again. I was near my drop off at this point and bago ako bumaba I faced her again and said na hindi naman siya kasali, bakit ang dami niyang sinasabi.

My bf was waiting for me at the drop off point, I cried like a baby kasi I was so tired and frustrated and not used to being told like that. I got scared of the lady and the exchange of messages between the conductor and inspector kasi katabi ko sila at naooverwhelm ako sa lakas ng boses. I feel guilty for what might happen siyempre but at the same time I feel like I was ganged up on and super sikip ng dibdib ko. I don’t even wanna ride a bus anymore haha nag aalala pa ako baka may vid or whatsoever hahaha shet social anxiety thingz

ABYG kung sumabog ako sa babaeng pasahero kahit na feel kong ang rude?

26 Comments
2024/10/27
16:58 UTC

22

ABYG kung singilin ko pa yung ex ko?

Medyo mahaba to

So nung 2019 kasi bumili kami ng ex ko ng pre selling na condo na malapit sa isang state univ kasi gusto niyang magtake ng law so sinuportahan ko sya dun sa decision nya. Then nakabangga yung kaskasero nyang kapatid kaya yung perang pag eenroll nya sana is ginastos sa danyos kahit sinabihan ko na sya na di nya responsibilidad yun.

Ngayon lumipas ang 3 taon at nadiskubre namin na walang license to sell yung developer ng condo at sobrang delay ng turnover kaya nagparefund kami. Almost 500k na ung nagastos namin dun at 3/4 nung halagang yun ay sakin galing. Nakapagrefund naman kami kaso kalahati lang kasi tinechnical kami ng abogago nung developer. Ngayon pagkarefund namin ng pera, wala pang isang linggo eh naaksidente naman ang lola nya at kailangan ng hip replacement.

Yung lola nya na yun may patago sa kanyang pera na almost 600K so yun dapat yung gagastusin sa hospitalization nya. Ang kaso itong ex ko nung 2018 may katangahang ginawa. Kami na nung time na yun pero may nagvhachat pala sa kanya nun sa insta na foreigner. To cut the story short, love scam pala at nalimas ung pera ng lola nya. Ewan ko kung bakit pero di ko pa din sya hiniwalayan that time kasi nanaig ang awa ko sa kanya kesa galit. So ayun na nga since wala na ung perang patago sa kanya, ang ginamit nyang pambayad sa hospital eh ung perang narefund namin dun sa condo.

So eto prob ko ngayon. Etong ex ko lubog sa utang kasi may niloan syang malaking halaga nung nagkacancer ang isa nyang lola. Sinabihan ko na sya na wag na sya magloan at hindi lang sya ang may sole responsibility sa lola nya pero di sya nakinig. This 2024 nagdesisyon na kaming maghiwalay dahil na din sa stress na dulot ng problemang financial at ayoko na din madawit pa sa mga utang nya at sa tinatago nyang sikreto sa pamilya nya na wala na ang pera ng lola nya. Ako ba yung gago kung singilin ko pa sya dun sa portion nung pera na narefund namin kasi pinaghirapan ko un at ako lang din ang laging umaattend ng hearing para lang makuha ung pera na yun.

21 Comments
2024/10/27
13:40 UTC

59

ABYG dahil ayoko na ma-associate sa kamag anak ko?

May tita ako na halos lahat ng kamag anak namin ay nakaaway. Nag sserve sa simbahan pero hindi sinasabuhay ang teachings, bagkus numero uno pa sa pang cchismis at pag gagawa ng kasiraan ng tao.

Naniniwala talaga akong may kapansanan siya sa pag iisip dahil nananakit siya physically pag galit siya, hindi siya makatagal sa friend/family relationship nang hindi niya nakakaaway, hindi siya maka usap ng maayos kasi paiba iba ng kwento lalo na pag nabubuking siya sa kalokohan niya at napaka manipulative pa kasi gumagawa siya ng kwento para siya ‘yung mukhang kawawa. Nag ssuggest na ang mga anak niya na ipa-psychologist siya to assess anong nagttrigger at nag ccause pero ayaw niya kasi ang thinking niya baka palabasin na baliw siya at lahat ng properties niya ibigay sa asawa niya at sa imaginary kabit nito.

May ginawang kalokohan sakin ang tita ko na ‘yun na nag-cause para lumayo ako sa kanila at ayoko na rin ma-associate sa pamilya nila. Parang inerase ko na sila sa isip ko kasi mas okay sa mental health ko, kumbaga mas beneficial sa akin na hindi na makipag usap sa kanila (sa pamilya niya including mga anak at asawa) dahil puro katoxic-han ang naririnig ko pag nakakausap sila. Sabi nga nila, pag may undiagnosed sakit ang isa sa pamilya, damay sa sakit ang lahat kasi somehow maapektuhan at maaapektuhan talaga ang mga kasama sa bahay whether stress, emotionally pagod, etc.

Ngayon ‘yung grandparents ko at iba ko na tita ay sinasabihan ako na ako raw ang magpakumbaba dahil ako ang bata at naghihintay lang ‘yung tita ko (masama ugali) na ako ang lumapit sa kanila. Naiinis ako kasi ako na nga ang ginawan ng kwento, pinag mumura ng anak niya dahil sa mali mali niyang kwento tapos ako pa ang magpapakumbaba. Anong mapapala ko na lumapit pa sa pamilya nila kung peace of mind ko ang maccompromise? Pag sobrang nastress ba ako at nagkasakit sila ba ang magpapagamot sa akin? At may away pamilya na kaya mong patawarin kahit hindi humingi ng tawad kasi mababaw lang naman pero ito talaga di ko kaya.

ABYG dahil masyado akong matigas na hindi sila kausapin? Alam ko na right ko na hindi na makipag usap sa kanila pero sa kakadikta ng iba kong kamag anak parang ako ‘yung masama kasi hindi ako marunong magpakumbaba.

34 Comments
2024/10/27
05:45 UTC

2

DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.

1 Comment
2024/10/27
03:00 UTC

81

ABYG kung napapagod na akong intindihin yung kapatid kong man mental health issues

Ayon nga, for context, tatlo kaming magkakapatid and ako ang panganay. Working sa abroad ang mother namin, then nasa ibang city nagwowork ang father namin.

I (19F), have two brothers, let's name them John (15M), at Kyle (8M). Ito nga, si John ay currently dealing with mental health issues. To say the least, suicidal siya to the point na nagseself harm siya. Ginagawa ko naman mag effort para pagaanin buhay niya since hindi ko rin alam mga nangyayari sa bahay noong umalis ako (Grade 11 pa lang ay di na ako nagsstay with them, living independently na).

Ngayon, sobrang accustomed ko na living alone kasi, and gusto ko talaga ng malinis na bahay. Ayokong aabot yung dishes ng kinabukasan, ayokong yung trash bag ay di itinatapon kapag puno na. Yk, basic stuffs. And kapag magpapart-time ako, inuutusan ko kapatid kong dalawa, si Kyle ay sa pagwawalis ng sahig, pag-aayos ng beddings sa kwarto, pag-aayos ng throw pillow sa sofa, then si John ay sa paghuhugas ng pinggan – yun lang as in, hugasan lang ang pinggan.

Baka sabihin niyo na baka naman gabundok hugasin ay hindi po, usually, tatlong pinggan, tatlong pairs ng utensils, tapos pinaglagyan ng ulam at pinaglutuan lang. Pero tuwing uuwi ako sa umaga (night shift ako sa part-time ko), aabutan kong andun pa rin hugasin.

Una, naiintindihan ko pa eh. Na baka wala siyang energy to do things kasi nga mentally unstable siya, na baka gusto niya lang to be left alone. So I did. For a few weeks, lahat ng tasks niya ako na gumawa.

Dumating sa point na mageexams kami, sobrang busy ko nun kasi two weeks na hell week. From activities to exams to work, sobrang drained na ako. Dumating ako sa point na nakiusap ako sa kapatid ko na please, as in, utang na loob, hugasan ang pinggan. Kasi hindi ko na talaga kaya.

Tapos, during the weeks pala na di ko siya matutukan, pinatawag ako ng guidance counselor kasi di daw pumapasok, hindi daw nagpapasa ng activities at performance tasks, in risk daw na magremedial kasi wala daw kahit isang ipinasa.

We tried getting him into therapy, pero ayaw daw niya, di naman daw siya baliw. Tantanan daw namin siya kasi okay lang daw siya.

And ito na, when inutusan ko siya, as in sabi ko "Magluto ka muna ng pagkain niyo ni Kyle at maaga ang alis ko," sinabihan niya akong "Fuck you, shut your fucking mouth"

Hanggang sa tuwing papakiusapan kong, "Oy John pahugas muna nito at maaga ako bukas," sasabihan niya akong "Nah, don't want to, don't care about you" tangina. NABBWISIT ako.

Tapos dumating sa point na lagi niyang sinusuntok si Kyle kapag di nakukuha gusto niya, hinahampas niya ng remote ng tv, sinisira charger ng bunso namin. Hanggang sa dumating siya sa point na araw araw na umiiyak bunso naming kapatid, tapos sasabihan niya lang na "Shut up you fucking baby"

I reached my breaking point, sinigawan ko siyang ano bang gusto niyang mangyari sa buhay niya, and I guess dito ako naging gago, sinabihan ko siyang aksaya lang siya sa pera (siya lang ang sa private school nag-aaral sa'min magkakapatid), sinabihan ko siyang wala siyang pakinabang sa bahay, sinabihan ko siyang puro cellphone lang alam niya, puro pagpupuyat, pero wala naman siyang totoong buhay. Sinabihan kong di nag-iisip at napakaselfish kasi kung ano lang convenient sa kanya yun lang gagawin niya. Sinampal ko siya sa galit ko, hindi lang about sa paglilinis ng bahay yung problem ko eh, tungkol sa disrespect sa'kin at sa pagpopowertrip niya sa kapatid naming bunso.

After nun, binatikal niya ako ng bangko and tinutukan ako ng kutsilyo, sabi sa'kin "Then die bich," and ayon.

Napapagod na akong intindihin kapatid ko, sobrang passive aggressive, sobrang hirap na hirap at may times na natatakot na ako sa kanya. Dapat kasi ako ang responsibile sa kaniya kasi ako ang ate pero hirap na hirap na ako. Sinabi ko na lang sa parents namin na kung hindi nila ilalayo si John sa akin, ako ang lalayo kasi di ko na kayang ihandle yung disrespect. So...

ABYG kung napapagod na akong intindihin yung kapatid kong man mental health issues?

73 Comments
2024/10/27
00:04 UTC

11

ABYG na mas pinili ko magtrabaho sa manila?

ABYG na mas pinili ko pa magtrabaho dito sa manila kaysa sa probinsya namin? 4 days na kaming hindi nag uusap ng jowa (25M) ko (24M) dahil sa reason na mas pinili ko pa magwork dito sa manila.

Bale 3yrs na kami ng jowa ko and 6 mos palang akong andito sa manila.

Nagstart kasi siya na nagsasabi siya na miss na niya ako syempre sabi ko miss ko na dn siya. And then nagtanong siya if kaya pa ba namin yung ganto na ldr? So i said yes and nagtanong uli if deserve niya pa ba yung ganto? And sabi ko hindi ko alam kasi siya naman makakasagot nun.

Ang dami na niya ng pinagsasabi na kaya daw naghiwalay sila ng past relationship niya is dahil ldr sila and ayaw niya ng ldr kaya sa susunod na magiging jowa niya daw dapat hindi na ldr kaso ayun mas napili ko magwork here. Hanggang sabi ko hindi ko naman kasalanan if walang tumatawag sa akin or ang eemail sa mga pinasahan ko ng resume ko. Tinulungan din naman niya ako dati maghanap ng work para hindi ako mapalayo kaso wala talaga at mas pinili ko daw magwork bere sa manila.

Sinabi ko naman din sa kanya na hindi naman ako naging tamad sa paghahanap sa dami ng pinagsendan ko ng resume sa jobstreet at indeed kahit hindi related sa course ko go lang (Nursing grad ako). Tapos nasabi ko sa kanya na syempre siya madali siya makahanap ng work sa lugar namin dahil board passer na siya eh ako nursing grad palang. Hanggang sa nagalit siya and sinabihan akong "Kasalanan ko ba na I'm doing great and yet you're still there ganun ba want mong iparating?" Kaya ayun sinabihan ko siyang hindi na siya nakakatulong kasi naiistress na ako sa pagrereview ko sa board exam (sa nov 9 and 10 na!!!) tapos dadagdag pa siya.

Kaya lang naman ako nagwork sa manila kasi una wala talaga akong mahanap na work sa probinsya namin 4 mos akong naghahanap kaso wala, pangalawa mag iipon ako para makapagreview center ako for board exam. Kaya heto 4 days ko na siyang hindi chinachat and also him hindi din siya nagchachat mas iniisip ko nalang ngayon magreview.

ABYG na mas pinili ko dito magwork at iwan siya sa probinsya namin?

12 Comments
2024/10/26
16:43 UTC

250

ABYG dahil ayoko bigyan ng pocket money tita ko

Bibisita tita ko from Vis Min. She’s retired and patravel2 nlng. She has 2 sons na pamilyado na din and may kaya sila as professionals e.. but i think di din siya binibigyan masyado ng pera (idk really, I don’t dwell in their business naman)

So ayun nga pupunta daw siya ng Manila kasi aattend siya ng libing. After ng funeral, sakin daw siya makikistay. I said OK SURE.

When she messaged me, sabi niya pa “librehin mo ko ng pagkain ha.. galing pa akong singapore kaya wala na akong allowance” (Wow??) but here I said OK.

Quick background about me - im the type na ok will share or libre ng experiences - gala, foodtrip, accoms. So when she asked me na makistay siya sakin and palibre siya ng pangkain niya while staying.. I said sure.

But one thing I really hate ay hihingan ako ng pera dahil ‘wala lang.’ When you’re not even in need – wala kang sakit, walang emergency etc.

Kaya nung nag message mama ko sabi “uy bigyan mo din ng pera pang pocket money tita mo ah” - I said NO. Chinat daw ng tita ko yung mama ko(ofw) na nanghihingi ng pera pang pocket money.

Kaya napa-rant tuloy ako sa mama ko. Sabi ko sumusobra naman siya(tita)!

First of - di ako nag initiate or invite na pumunta siya, may own agenda na siya. I would like to think na I’m already kind enough to offer accommodation and meals. Pero pati pocket money? Ba’t ako?? San mga anak niya? And second - kakagaling niya nga lang gumala sa singapore eh. She’s not even in need.

Then sabi naman ng mama ko - “bigyan mo nlng kasi ikaw naman nagtatrabaho sa manila. And para di nag tampo yung tita mo. Wag kang madamot sa pamilya”

ABYG??

108 Comments
2024/10/26
16:07 UTC

0

DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.

1 Comment
2024/10/26
03:00 UTC

33

ABYG for telling my boss the truth?

I referred this guy friend sa work 5 months ago. Maayos naman nung una, sabi ko gusto ng boss namin laging present sana sa work (unless syempre may emergency or sakit).

Kaso 1 week pa lang nag absent na isang beses. Pinagbigyan ko kasi under sya sakin pero aba pagdating ng 3rd month lagi may power outages (WFH kami). Every week yun, pero sige okay lang din sa boss ko kahit na sabi nya hindi nga naman pwede yun kasi on time lagi salary nya.

Hanggang lagi ng may sakit, nagrestart daw PC kaya in the middle of the shift mawawala ng between 45-min to 1 hr (lagi sya nangyayari), iihi lang pero 1 hour di macontact, or again power outage daw sakanila sa probinsya nila somewhere in Visayas. Minsan ang honest, nakatulog daw sa shift. Or di ko macontact kasi may need iverify then pag tinag ng boss sa clickup kung kamusta na task biglang magrereply agad.

Sige go, kaibigan ko din kasi since College kaya parang naguilty ako na mawalan sya ng work or pakiramdam ko ang sama kong kaibigan.

Pero ito na sumabog na ang bulkan, galit na galit talaga ako kahapon. 2 days absent tapos kahapon sabi last week na daw nya sa work. Baka nga nag absent sya kasi night shift kami, para makapunta sya sa gov't office kung san sya hinire kinaumagahan.

Oo sige oks na sakin makakalipat na sya, kaso nung kinagabihan sabi bigla na gusto pa din nya ituloy ung work dito, tita nalang daw nya magtutuloy? watdafuq? Ano yun? anong kagaguhang kashitan yun?

Di mo na nga narealize na mali2 ginagawa mo sa work may gana kapa gumanyan. So ayun sinabi ko sa boss namin. Awat nako. Never nako magrerefer, puro sa umpisa lang magaling. Pati ako madadamay pa sa pagka unprofessional dahil laging wala.

Wala akong weekend break kaya sya hinire din para Wed-Sunday sya, Monday-Friday ako. Kaya lang bes, Sat Sun papasok pa talaga ako kasi di nya parin alam ung processes kahit 5 months na. Client issues pag mahirap sakin padin. On a fckng weekend.

Ewan. Sinabihan ko. Puro inonote daw. Ewan ko bat tumagal. Bat ko pinatagal. 😂😭 ABYG dito kasi sinabi ko pa imbis na dapat sya nalang mag alibi sa boss namin? Prinsipyo over friendship HAHAHA close friend ko din ang jowa nya so ayun :(

14 Comments
2024/10/25
17:40 UTC

0

ABYG dahil sinabi ko sa nanay ng kababata ko yung plano nyang pagpapalaglag?

So ayun nga, meron akong kababata (19F) dito samin na napreggy ng bf nya and nagpapakastress sya maghanap ng maglalaglag sa baby nya kase hindi alam sa kanila na may bf sya. The day na nalaman nya na preggy nga sya, isa ako sa una nyang sinabihan but then hindi na kami masyadong close since nag HS kami (went to diff schools) so wala na talaga akong balak makialam sa gusto nyang gawin. 3 days nya na din akong kinulit na tulungan ko sya maghanap ng maglalaglag sa baby nya and sinabi ko talaga na wala akong kilala at hindi ko sya kayang isupport sa gusto nya kase super delikado and baka pati sya mapasama. Inadvise ko din sya na sabihin na lang sa mama nya kase alam ko naman na si tita lang din makakatulong sa pagtanggap nya sa nangyare sa kanya pero ayaw nya nga ipaalam sa mama nya.

Siguro 1 week na makalipas nung last kami nakapag usap and ilan sa mga classmate ko ang nagtanong sakin if buntis nga daw ba. Kung saan saan pala sya nagpupupunta na kakilala para magtanong if meron alam na naglalaglag and sabi may alam na daw titingnan na lang if nagpeperform pa ng abortion. Ako naman, ayaw ko rin maging usap usapan sya, and lalo na ayaw ko matuloy sya na hindi aware mama nya kase what if magkaroon ng complication or what; pagkauwian, dumaan ako sa kanila and sinabi ko sa mama nya. Tapos nagalit sakin kase si tita kase kung ano ano daw sinasabi ko. Di na din naman ako nakipagtalo sabi ko na lang sila na bahala magusap.

Kinabukasan nung dumaan ako sa tapat ng bahay nila otw to school, pinaringgan ako sabi ayan na yung chismosa blah blah keme keme basta dami pa sinasabi. Ako naman kinonfront ko sabi ko anong chismis ko sa kanila. Sabi ni tita yun nga daw buntis yung anak nya na sinabi ko last time. Tinanong nya daw yung anak nya di naman daw totoo. Edi sabi ko kung hindi totoo edi MAS mabuti less problema. Saka if talagang gusto ko silang ichismis, sa ibang tao ko sinabi na buntis anak nya at hindi ko sa kanya nirekta. Ayon ilang weeks din ako pinaparinggan, kahit iba namin kapitbahay inuulit ako na chismosa naman daw pala ako.

So ABYG kung sinabi ko sa kanya yung plano ng anak nya?

40 Comments
2024/10/25
17:15 UTC

156

ABYG dahil namura ko asawa ko?

Nagkwentuhan kami ng MIL(Mother-in-law) ko saglit, mga 3 mins lang. Nung hinanap ko na anak(1yr 9mnths) ko para subuan ng pagkain, napansin ko sya sa ilalim ng oven na parang may sinusubo siya. Pagtingin ko, katol na putol, dali-dali kong siyang kinuha at pinunasan ng basang panyo yung loob ng bibig nya at kamay.

Sa totoo lang, medyo nagpanic ako dahil iniisip ko na kung pano ko itatakbo anak ko since buntis ako at due date ko na sa november. Hindi rin naman pwede si MIL dahil may sakit at di makakatakbo. So tinawagan ko asawa ko, na naka-stay in sa pinsan niya, na kung pwede umuwi muna sya dito sa bahay. Sabi niya bukas pa daw sya uuwi at ipag-pray ko nalang daw anak namin.

Sa bwisit ko, napareply ako ng "P.Inang pray yan, lagi nalang" tapos minura ko din sya. Alam ko di dahil sa hormones ko to. Napuno nako sa kanya dahil kada emergency o may sakit ako o anak namin, di sya talaga umuuwi. Kahit nung wala pa si MIL, ako lagi nagtatakbo sa anak namin o nagpapacheck up ng patago. Bakit patago? Kasi ayaw niya pumunta kami sa doctor dahil kakausapin lang daw kami. At mas naniniwala sya sa mga sinasabi ng mga ka-trabaho niyang lalaki.

Last time nanginig bigla anak namin at nilalagnat, sabi ng ka-trabaho niya nagngingipin lang daw kaya wag na daw ako magpa-check up. Patago ako nagpa-check up kinabukasan at ayun, may UTI sya. Maraming beses na nagkasakit si anak na binalewala lang nya. Recently lang din, lagi nagigising si anak at parang di makahinga, sabi niya nilalamig lang daw kaya kumutan ko. Mother's intuition, may problema talaga so pina-check up ko ulit kinaumagahan. May mild pneumonia sya, tinawagan ko sya para sana sya kasama namin dahil need isugod sa hospital anak namin, di ako pinaalis ng doctor dun kasi buntis nako nung time na yan at may komplikasyon pako sa pinagbubuntis ko. Sabi niya di raw sya makakauwi kasi nagmamadali na yung client nila. So client first bago ang pamilya nya.

Napaiyak ako habang china-chat si FIL(Father-in-law), di kami magkasundo ng papa niya kaya ayoko sana magkaroon ng utang na loob, pero no choice ako. Dali-dali naman niya kami pinuntahan sa clinic at sabay kami pumunta ng hospital.

Netong araw lang, parang biglang may nag-snap sa kokote ko kaya namura ko sya ng ilang beses. Naiintindihan ko na need niya magtrabaho para may panggastos kami pero ang hinihiling ko lang ay isang araw. Kaya naman niya umuwi anytime dahil sa company ng pinsan niya sya nagwowork at di sya totally empleyado dun. Emergency din yung rason which is valid naman. Pero kahit anong sabihin ko, ayaw talaga nya. Yung parang mas prio niya ibang bagay/tao kaysa saming mag-ina niya. Nakakasakit ng damdamin.

ABYG kung namura ko asawa ko?

95 Comments
2024/10/25
15:37 UTC

2

DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.

1 Comment
2024/10/25
03:00 UTC

0

ABYG if gusto ko paalisin jowa ng roommie ko sa apartment namin?

For context, me (32F), stays with two other people A(28F) and B (23F) in a studio condo. I bought a double deck bed and a fridge na na-deliver kahapon. I stayed at a hotel kahapon kasi naglinis si B and bf nya na si C (23M) to accommodate the bed and the ref sa unit. B's bf also helped in assembling the double deck. Since bumabagyo, C stayed at home for the night.

I'm on night shift, and pag uwi ko kanina, andito pa rin si C. I feel uncomfortable na may male dito sa bahay. Until now I haven't even washed up or magbihis kasi di ko magawa while he's here, di rin makatulog. Naiiyak na ako sa totoo lang. Haven't mentioned how they left plates and utensils na hugasin, tapos yung buto ng mga pinag kainan nila nasa strainer lang nang lababo.

These two treats me like a mom since eldest ako sa aming lahat.

Nag chat ako kay B and told her na pauwiin nya na si C pag uwi nya later kasi di ako comfortable na may ibang tao sa unit namin lalo na kaming dalawa lang. ABYG kasi gusto ko sya pauwiin?

Update: Just want to reiterate that I pay for almost everything in this household. I pay for rent, sometimes even utilities and dues. Reason nila is hindi daw kaya ng sweldo nila. Even the furnitures and appliances sa'kin din galing.

25 Comments
2024/10/24
22:53 UTC

32

ABYG dahil nag react ako sa convo ng ex-gf ko at sa boybestfriend nya?

My ex gf(f20) and I(m24) have been together for two years now, this issue have been a theme in our fights yung napaka malapitin nya sa lalake i explicitly have said to her that im not comfortable with her having a bff pangatlo nato ngayon and i've decided to end it.

I mean she can be friends with anybody but why always men? tapos etong latest is nagka labuan kami i opened her facebook and lo and behold nag ii missyouhan sila ng bff nya na classmate nya daw since hs, e popost ko sana yung convo nila kasi hndi ako magaling mag kwento haha kaso bawal pala attachment dito.

But basically sinabe ng ex gf ko na gusto nya daw mas makilala yung bbf tapos nag kkwentohan na sila ng life nila hanggang sa nag iimissyouhan na sila, take note this was happening habang magkatabi kami sa kama ang masaklap pa is ako pa yung binabaliktad nila ng mga friends nya na bat daw ako magagalet eh di ko naman daw sya inatrato ng tama.

ABYG kase binasa ko convo nila and i reacted? I just feel so betrayed and disappointed after our many fights tunkol lang sa boy bestfriend² nayan

32 Comments
2024/10/24
13:36 UTC

25

ABYG nang iwanan ko yung kapatid ko sa papa namin dahil sinasaktan nya ako?

19 (F)

2022, namatay si mama, at simula noon, ako, si papa, at ang bunso kong kapatid ang magkasama sa bahay. Yung pangalawa kong kapatid, nakatira sa tita ko. Hindi naging madali lalo na sa part ni papa alam ko, kaya kung may nagagwa man minsan si appa ako na nag aadjust at iniintindi sya. After mawala ni mama, mas lumala yung pananakit ni papa—umabot sa point na hinabol niya ako ng itak. Sinasabi ko sa sarili ko na baka stress lang siya dahil sa pagkawala ni mama, kaya sinubukan ko siyang intindihin at hindi sukuan panganay things.

Last October 15, nagkaroon kami ng sagutan dahil lang sa sukli. Hindi niya maintindihan kung bakit yun lang ang natira, so sinubukan kong ipaliwanag na sobrang mahal ng bilihin ngayon. Hindi pa rin sya naniniwala sa'kin lahit anong explain ko ang ginawa ko pinauwi ko na rin yung kapatid kong babae na siya yung inutusan ko. Bigla niyang sinabi na tinuturuan ko raw yung mga kapatid ko maging demonyo, at wala na raw akong ambag sa bahay. FYI, pina-stop niya ako sa pag-aaral, and I’m just starting with my VA career kaya hindi pa ako maka bigay, at nag-iipon ako para mag enroll next year.

Nung sinabi ko na, "Pa, kung hindi mo kaya intindihin ngayon, bukas na tayo mag-usap," bigla niya akong sinaktan—sinapak, sinabunutan, at sinampal. Nandoon pa yung pinsan ko, nakita nila lahat pero walang ginawa. Sobrang sakit na wala man lang tumulong. Sinigawan ko siya dahil sobrang naawa ako sa sarili ko, "Kailan mo ba ako titigilan na saktan?" pero mas lalo siyang nagalit at wala na akong nagawa at hinayaan nalang na tigilan nya ako. Nakakaawa yung bunso namin na nakita lahat ng away na yun i feel so guilty.

Kinabukasan, sinabi ko kay papa na aalis muna ako at dun ako titira sa tita ko sa kabilang municipality kasi malala na talaga yung gap between me and him. Ang sagot niya, "Mas mabuti pa, wala na akong palamunin dito." Sobrang sakit ng mga salita niya, pati na rin yung mga ginawa niya, pero kahit ganoon, I can't hate him. I’m just really hurt.

Ilang araw na ako dito sa tita ko, and kahit sinasabi ng lolo at tita ko na hindi mapapabayaan yung bunso namin, sobrang bigat pa rin sa pakiramdam sobra akong ankokonsensya na iniwan ko yung mga kapatid ko sa papa ko. Alam ko naman na hindi sasaktan ni papa yung mga kapatid ko, pero natatakot ako na magalit sa akin yung bunso namin dahil umalis ako. Takot ako na baka isipin niya na iniwan ko siya sa sitwasyon na ganito.

Ako ba yung gago for leaving? Should I have stayed kahit na sobrang toxic na para sa akin? I'm really struggling with this guilt, and I don’t know what to do anymore.

18 Comments
2024/10/24
12:15 UTC

18

ABYG dahil di ko tinolerate yung excuses niya?

So I have this co-worker of mine na laging may mga lapses sa time in and out dahil sa church activities nila. Etong past few years were quite okay naman for me dahil I wasn’t affected. But now, nagiging early in ako or minsan render OT and nasasakto na nag emergency leave siya ng critical days just because sa church nila. Ending kami yung nag sa-suffer yung mga naiiwan sa shift.

One time, may excuse siya na naaksidente siya pero nasa church lang pala. Ayun ako na naman sumalo. Then may event na naman since di ko na kaya na ako yung umako and di siya magiging liable sinabi ko na sa TL ko na ganun yung mga alibi niya.

Ngayon iba na tuloy tingin ko sa kanya. I don’t trust anyone na. My trust issues went up.

ABYG na nagsabi ako sa TL namin na ganun palagi alibi niya na puro church nalang?

11 Comments
2024/10/24
07:43 UTC

408

ABYG nung hindi ako nanlibre?

Yesterday while on my day off, I had P200, sakto lang sa milktea. I usually just buy para masatisfy ko cravings ko. Ang P200 kasi enough for one milk tea, so nag order ako sa Grab. Then, my cousin complained that I didn't buy her one, and my mom got mad at me because of it. Hindi yung cousin nag direct sakin, sinabi nya sa iba.

I couldnt post the screenshot pero this was her text: Mother: "nag order k ng food di mo Ing sinama si colet (pinsan ko) takhit mning milk tea. ugali mo n yn nin wag mong dalhn jn nakakahiya. saken sanay n ako, kaya mong kumaon na ikaw Ing matiis mo baliktarn kaya natin c colet nag order dink sinama ano feeling mo? wag mo dalhn jn ang pgkamadamot mo,"

And heres what I said, "grabe isang beses lang ako nag order na wala siya bakit pati un may issue? lagi ko naman siya sinasama simula nung nag order ako bakit ngayon pa ginagawang issue? ikaw lang nagdidiin sakin ng ganyan eh lahat nalang. pagka dating nya naman sa Manila lahat ng food sinasama ko pati nga commute namin at pagkain AKO NAGBAYAD LAHAT di ko alam bakit ganyan ka ma."

Nag text sya 2AM madali ng araw, tapos eto ako ngayon 10AM nagbbreak down sa office. May mga executives na kasama pero hindi ako makakilos. Lahat naman ng libre naggawa ko the past few weeks pero ngayong first time ko lang di naglabas ng pera biglang madamot? Tama ba to? Di ko naman din obligasyon na pakainin siya.

ABYG nung hindi ako nanlibre? At saktong ₱200 lang ung meron ako? Dapat ba gumawa ako ng paraan para makabili? Lol.

164 Comments
2024/10/24
07:05 UTC

Back To Top